The me you do not know.

My photo
Valley of the (porn) Dolls, California, United States
Ponderings of an underachiever, A perfectionist. A lazy bum. Obsessive Maniac. Aspiring saint. Sinner. Closet socialist. Unapologetic Capitalist. Nationalist with Colonial Mentality. Catholic. Liberation Theologist. Frustrated rock star. Old Dog. Middle-aged young boy.

Monday, August 31, 2009

The tide is turning.

I can tell.  (I hope.)

mmmmkay kids...

I live on the internet. But I am old. For some weird reason, I never get why mmmk means ok.  I may be wrong but typing O K is easier.
Also, I can not relate to ROFL or LMAO. AFAIK that has not happened yet. Oh that means "As Far As I Know"
AYSOS?

Couldn’t have said it better

May araw din kayo
By Conrado de Quiros
Philippine Daily Inquirer

Tatagalugin ko na nang makuha n'yo. Kahit na lingwaheng kanto lang ang alam kong Tagalog.


Tutal Buwan ng Wika naman ang Agosto. Baka sakali 'yung paboritong wika ni Balagtas ay makatulong sa pag-unawa n'yo dahil mukhang 'yung paboritong wika ni Shakespeare ay lampas sa IQ n'yo. Kung sa bagay, ang pinakamahirap gisingin ay 'yung nagtutulug-tulugan. Ang pinakamahirap padinggin ay 'yung nagbibingi-bingihan. Ang pinakamahirap paintindihin ay 'yung nagmamaangmaangan. Bueno, mahirap din paintindihin 'yung likas na tanga. Pero bahala na.

Sabi mo, Cerge Remonde, alangan naman pakanin ng hotdog ang amo mo. Bakit alangan? Hindi naman vegetarian 'yon. At public service nga 'yon, makakatulong dagdagan ng cholesterol at salitre ang dugong dumadaloy papuntang puso n'ya.

Kung meron man s'yang dugo, kung meron man s'yang puso.

Bakit alangan? Malamang di ka nagbabasa ng balita, o di lang talaga nagbabasa, kung hindi ay nalaman mo 'yung ginawa ni Barack Obama at Joe Biden nitong nakaraang Mayo. Galing silang White House patungong Virginia nang magtakam sila pareho ng hamburger. Pina detour nila ang motorcade at tumuloy sa unang hamburgerang nakita nila. Ito ang Ray's Hell Burger, isang maliit at independienteng hamburger joint.

Tumungo ang dalawa sa counter at sila mismo ang nag-order, hindi mga aides. Nagbayad sila ng cash na galing sa sariling bulsa at kagaya ng ibang customers ay pumila para sa turno nila.

Ito ay presidente at bise presidente ng pinakamakapangyarihang bansa sa buong mundo. Kung sa bagay, 'yung amo n'yo ay hindi naman talaga presidente. Di lang makita ang pagkakaiba ni Garci kay God kaya nasabing "God put me here." Pekeng presidente, pekeng asal presidente.

Sabi mo, Anthony Golez, maliit lang ang P1 million dinner kumpara sa bilyon-bilyong pisong dinala ng amo mo sa bansa.

Ay kayo lang naman ang nagsasabing may inambag ang amo n'yo na bilyong-bilyong piso sa kaban ng bayan. Ni anino noon wala kaming nakita. Ang nakita lang namin ay yung bilyon-bilyong piso—o borjer, ayon nga sa inyong dating kakosa na si Benjamin Abalos—na inaswang ng amo n'yo sa kaban ng bayan. Executive privilege daw ang hindi n'ya sagutin ito. Kailan pa naging pribilehiyo ng isang opisyal ang di managot sa taumbayan? Kailan pa naging pribilehiyo ng isang opisyal ang magnakaw?

Maliit lang pala ang P1 million, ay bakit hindi n'yo na lang ibigay sa nagugutom? O doon sa mga sundalo sa Mindanao? Tama si Archbishop Oscar Cruz. Isipin n'yo kung gaano karaming botas man lang ang mabibili ng P1 million at karagdagang P750,000 na nilamon ng amo n'yo at mga taga bitbit ng kanyang maleta sa isa pang restawran sa New York.

Maliit lang pala ang P1 million (at P750,000), bakit hindi n'yo na lang ibigay doon sa pamilya ng mga sundalong namatay sa Mindanao? Magkano 'yung gusto n'yong ibigay sa bawat isa? P20,000? Sa halagang iyan 50 sundalo na ang maaabuluyan n'yo sa $20,000. Pasalu-saludo pa 'yang amo n'yo sa mga namatay na kala mo ay talagang may malasakit. Bumenta na 'yang dramang 'yan. At pasabi-sabi pa ng "Annihilate the Abus!" Di ba noon pa n'ya 'yan pinangako? Mahilig lang talagang mangako 'yang amo n'yo.

Bukod pa d'yan, saan ba nanggaling 'yung limpak-limpak na salapi ng mga kongresista na pinansisindi nila ng tabako? Di ba sa amin din? Tanong n'yo muna kung ayos lang na i-blowout namin ng wine at caviar ang amo n'yo habang kami ay nagdidildil ng asin—'yung magaspang na klase ha, 'di yung iodized. Ang tindi n'yo, mga p're.

At ikaw naman, Romulo Macalintal, tapang ng apog mo. Maiisip mo tuloy na sundin na lang ang mungkahi ni Dick the Butcher sa "Henry VI" ni Shakespeare: "First thing we do, let's kill all the lawyers." Pa ethics-ethics ka pa, pasalamat ka di nasunog ang bibig mo sa pagbigkas ng katagang 'yon.

Marami mang sugapa rin sa aming mga taga media, di naman kasing sugapa n'yo. At di naman kami sineswelduhan ng taumbayan. Wala naman kaming problemang sumakay sa PAL at kailangan pang bumili ng P1.2 billion jet. Anong sabi n'yo, kailangan ng amo n'yo sa pabyahe-byahe? E sino naman ang may sabing magbabyahe s'ya? Ngayon pang paalis na s'ya—malinaw na ayaw n'yang umalis. Bakit hindi na lang s'ya bumili ng Matchbox na eroplano? Kasya naman s'ya ro'n.

Lalo kayong nagpupumiglas, lalo lang kayong lumulubog sa kumunoy. Di n'yo malulusutan ang bulilyasong ginawa n'yo. Para n'yo na ring inagaw ang isinusubong kanin ng isang batang nagugutom. Tama si Obama at Biden: Sa panahon ng recession, kung saan nakalugmok ang mga Amerikano sa hirap, dapat makiramay ang mga pinuno sa taumbayan, di nagpapakapariwara. Sa panahon ng kagutuman, na matagal nang kalagayan ng Pinoy, at lalo pang tumindi sa paghagupit ng Typhoon Gloria, dapat siguro uminom na lang kayo ng insecticide. Gawin n'yo 'yan at mapapawi kaagad ang kagutuman ng bayan.

Sa bandang huli, buti na rin lang at ginawa n'yo 'yung magpasasa sa P1 million dinner habang lupaypay ang bayan sa kagutuman—di lang sa kawalan ng pagkain kundi sa iba pang bagay—at pagdadalamhati sa yumaong Ina ng Bayan. Binigyan n'yo ng mukha ang katakawan. Katakawang walang kabusugan. Mukhang di nakita ng masa sa usaping NBN, mukhang di nakikita ng masa sa usaping SAL.


Mukhang nakita lang ng masa dito sa ginawa n'yong ito. Sa pagpapabondat sa New York habang naghihinagpis ang bayan.

At buti na rin lang mayroon tayong sariling wika. Di sapat ang Inggles para iparamdam sa inyo ang suklam na nararamdaman namin sa inyo. Di sapat ang Inggles para ipakita sa inyo ang pagkamuhi na nararamdaman namin sa inyo. Di maarok ng Inggles ang lalim ng poot na nararamdaman namin sa inyo.

Isinusuka na kayo ng taumbayan, mahirap man sumuka ang gutom.

May araw din kayo.

Why?


esterday, somebody asked me... Why did you name your blog blog "Insight to the Insane?"


Here are possible reasons.


1) Insanity intrigues me. There is this person at church. He must have voices in his head because in the middle of mass he will stand up and yell "What?"

Then he will spin in a circle... slowly... then sit down again. I often wonder what goes on in his head. I wish I could ask him. Maybe the next time I see him, I'll ask.


2)Insanity seems to be getting more and more common in the world. I would like an insight on why....


3) I am insane.


4) I couldn't think of anything else at the time. And I needed to give it a name or start the process again.


I am going with number 4....hmmm.. maybe #3.

Sunday, August 30, 2009

Can you smell that?

There is something foul in the air.

The stench is filling the air. And it will get worse.

The COMELEC pegged the campaign period for candidates for President, Vice-President, Senators and Party-List groups to start on February 9, 2010. The campaign period for candidates for members of the House of Representatives and elective provincial, city and municipal officials will should start March 26, 2010.

But how come we smell something foul in the air this early?

It is because, politicians can not contain themselves. They reek.

There is no shortage of laws in the Philippines. There is just an absence of true enforcement.

In jest, somebody once told me that the people in the Philippines are the freest in the world. So free in fact that they can do anything they want. They pee in the streets, they cross where they want, etc. So much for democracy. Pwede. Pero hindi dapat.

Laws were made so that we do not slide into anarchy. Enforcement should not be lip service. Bawal lang pag nahuli. The spirit of the law should have the greater good in mind. It should have a purpose: to serve the majority. They say it should be blind. It should apply to the rich and the poor equally. Wow. Sarap isipin.

Going back to the candidates who are campaigning early. These are the kind of crappy leaders we can look forward to. Those who think the law does not apply to them. The ones who put their mug on every freaking billboard they can buy. Money that usually is the government's people's money.

These are the same people who after their term, will pass on the office to their wives, sons, daughters, brothers, sisters, et al. Nepotism. Political dynasties. They say the Philippines is ruled by a handful for last names. Tsk. Tsk. In a country of 96 million people, these are the only choices we have?

If you are not outraged, then you are not paying attention.

Ugly picture.

Yeah I know the picture is gross. I was meaning to shock and awe. Well... ok shock.

Friday, August 28, 2009

Ok. Here goes. I always seem to have something to say. Opinionated. Admitedly, biased at times. But hey, I am working on it.
A blog only works if you blog. Well hopefully, it does not go into the bin of "Things I need to do" Or "Things I should have done." You see, I am a chronic procrastinator.
The characteristic "self-starter" describes me. Only when I want (or do get "started")
Anyway...Prod me to keep writing.
Another thing I promise to do is be honest and true. I write this so that I get a constant reminder that this is what I aim to achieve.
So here goes nothing.